WALANG LUMA
WALANG BAGO
SA PANANAMPALATAYANG ISLAM
Isinulat ni Eisa 'Rene' Saturno – Batallones
Al Malha Da'awah and Guidance Center
Al Malha, Jizan Saudi Arabia
(Hajj) December 15, 2007
Ang lahat ng papupuri at pagluluwalhati ay tangi lamang kay Allah (SWT), hinihigi ko ang gabay at pagpapala at ang Kanyang kapatawaran, ako ay nagpapakupkop sa Kanya mula sa kahinaan ng aking kaluluwa at mula sa mga gawang pagkakamali, Ang sinumang ginabayan ni Allah (SWT) ay walang makapagliligaw at ang sinumang napaligaw ay walang sinuman ang makapaggagabay.
Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin liban sa Kanya at ay ako sumasaksi na si Muhammad ((صلى الله عليه وسلم ang huling sugo, nawa ang pagpapala ng Nag-iisang Diyos – si Allah (SWT) ay mapasakanya sampu ng kanyang mga pamilya, mga sahaba, tabiyeen at sa lahat ng mga taong pumupuri at lumuluwalhati sa kadakilaan ng Nag-iisang Tagapaglikha.
Apurahin ninyo ang pagsasagawa ng hajj, tunay na wala ni isa sa inyo ang nakaaalam kung ano ang naghihintay dito ang wika ng Sugo ni Allah
At kung sinuman ang may kakayahang gawin itong muli upang pagkukusangloob para kay Allah, kung gayon ito ay mula sa mabubuting gawain na siyang nagpapalapit kay Allah. At ang Hajj ay isa sa mga haligi ng Islam, tulad ng pagpapatunay mula sa hadith ng Propeta (SAS) 'Binuo ang Islam ng lima; ang pagsaksi na walang diyos kundi si Allah (SWT) at si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagtayo sa salah, ang pagbibigay ng zakat , ang pag-aayuno sa Ramadhan at ang pagsasagawa ng Hajj sa sinuman ang may kakayahan dito.
Ang Hajj ay haliging obligadong gawin para sa mga Muslim minsan sa kanyang buhay,
Sabi ni Allah:
و للة على ا لناس حج ا لبيت من استطاع إ لية سبيلأ
"wa lillahi 'alan-naasi hijjul-Bayti manis-tataa'a 'ilayhi sabeela"
"At para kay Allah na ang tao (Muslim) ay magsagawa ng hajj, sinuman ang may kakayahan dito. (3:98)
At hindi kinumpleto ang Islam maliban sa limang haliging ito, at ang hajj ay inubliga ayon sa mga tamang pahayag mula sa mga salita ng mga maalam, noong ika-9 taon ng hijjra.
At mula sa kabutihan ng hajj ay ang pagpapaalis ng mga kasalanan, ayon sa hadith ni Umar (RA) sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) "At ang inyong paglabas mula sa inyong bahay tungo sa baytul haram at ang lahat ng inyong paghihirap na inyong madadaanan ay nagtatakda si Allah para sa inyo ng kabutihan at inalisan ka dahil dito ng kasamaan, at ang inyo namang pagtigil sa Arafah ay bumababa si Allah sa kalangitan ng mundo na ang mga anghel ay lumuluwalhati sa Kanya at Kanyang sasabihin, iyan ang aking mga alipin dumating sa akin sa lahat ng dako at umaasa sa Aking awa at natatakot sa aking parusa, gayong hindi pa nga nila ako nakikita, paano pa kaya kung Ako ay kanilang makita? At kung ikaw ay mayroon tulad ng dami ng buhangin, o tulad ng mga araw sa mundo, o tulad ng mga ulan sa langit na kasalanan ay huhugasan ito ni Allah para sa iyo. Ang mga maliliit na batong iyong hinahagis ay iniipon para sa iyo at ang bawat buhok sa iyong ulo na iyong inahit ay kabutihan para sa iyo at kapag ikaw ay nagsagawa ng tawaf sa ka'aba ay aalisin ang iyong mga kasalanan tulad ng araw na ikaw ay pinanganak ng iyong ina.
Tunay na ang hadith na ito ay panawagan upang simulan ang pagtupad sa hajj at gawin itong katanggap-tanggap at hugasan ang sarili mula sa kasalanan sa pamamagitan nito. Sapagkat tunay na ang lingkod ay hindi nalalaman kung kailan ang panahon ng kanyang paglisan dito sa mundo, at ang hajj ay ang mga araw na tinakdaan, sinuman ang mayroon kakayahang tumugon at tinatawag siya ng kanyang Panginoon at hindi niya ito ginawa, siya ay talunan, walang nababagay sa kanya maliban sa sinabi ng Sugo ni Allah. "Ang Hajj na tinanggap ni Allah ay walang gantimpala maliban sa jannah". "Sinuman ang magsagawa ng hajj at hindi nagsalita ng masama at hindi gumawa ng kasamaan ay uuwi ng tulad ng araw na ipinanganak siya ng kanyang ina".
At ang mga Araw ng Tashreq ay ang mga araw ng 11,12,13 ng Dhul Hijja, ito ay ang mga araw ng pamamahagi ng karne ng udhiya bilang regalo, dito ito ay pinipira-piraso at ibinabahagi sa mga tao.
Ang Kabutihan ng dulot nito – Ang mga araw ng tashreq ay dakilang okasyon na siyang ipinag-utos ni Allah bilang pagsamba sa Kanya at pag-alala.
Sinabi sa banal na Qur'an:
ويزكروااسم اللة في ا يام معاومتن
"Wa yuzkurus-mal-laahi feee 'ayyaamim-ma'loomaatin"
"Inyong alalahanin ang pangalan ni Allah sa mga kilalang araw” (22:28)
Sinabi ni Bukhari – kaawaan nawa siya ni Allah na sinabi ni Ibnu Abbas na ang "mga alam" na raw ay ang araw ng Tashreeq.
Ang mga gawain sa mga araw na ito:
Ang pinakamainam sa mga araw ng tashreeq ay ang unang araw nito at ito ay tinatawag na araw ng qar sapagkat ang mga nagsasagawa ng Hajj ay nananatili sa Mina sa araw na ito at hindi maaring umalis sa lugar na ito. Sabi ng Propeta (SAS); "At ang pinaka mainam na araw para kay Allah ay ang araw ng nahr pagkatapos ay ang araw ng qar.
At dahil dito ay may mga natatanging gawain para sa araw na ito.
1. Ang araw ng tashreeq ay ang araw ng pagkain, ang pagpapakita ng saya at pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kamag-anakan at kaibigan. At pamamahagi ng mga karne mula udhiya, ngunit dapat tandaan nasa pagkain at pagbibigay nito ay iwasan ang pagsasayang.
2. Ang araw ng tashreeq ay mga araw ng pag-alala kay Allah at pagpapasalamat, tunay nga na dapat sa lahat ng oras ay ating alalahanin at pasalamatan si Allah, ngunit sa araw na ito ay mabiyaya kaya't ito ay mas lalong inererekomendang gawin ng mas maiigi.
Ayon sa hadith ni Nubaysha al-Hudli ay nagsabi ang sugo: "Ang araw ng tashreeq ay ang mga araw ng pagkain at pag-inom at pag-alala kay Allah na - sa mga araw na ito ay kinukumpleto ng mga nagsasagawa ng Hajj ang kanilang hajj habang ang mga hindi naman ay nagsasagawa ng mga pagsambang nagpapalapit kay Allah tulad ng pag-alay ng udhiya at paggawa ng kabutihan. At mula sa pamamaraan ni Allah na kapag natapos ang pagsasagawa ng salah ay gawin ang mga ganitong bagay,
Sinabi ni Allah :
فإذا قضيتم الضاوة فاذكروا اللة قيما وقعودا و غاىجونوبكم
"Fa'izaa qadaytumus-Salataa fazkurul-laaha qiyaaman wa qu'oodan wa 'alaa junoobikum"
"At kapag natapos ninyo ang salah ay alalahanin ninyo si Allah, nakatayo man o nakaupo at sa inyong paligid (4:103)
Sinabi pa Niya:
فإذا قضيت ا لصلوة فانتشروافى ا لأ ر ض و ا بتغوا من فضل ا للة وا ذكروا ا للة كثير ا
لعلكم تفلحون
"Fa 'izaa qudiyatis-salaatu fantashiroo fil-'ardi wabtaghoo min fadlil-laahi wazkurul-laaha kaseeral-la'allakum tuflihoon"
"At kapag natapos ninyo ang salah ay lumaganap kayo sa mundo at maghangad, dahil sa kabutihan ni Allah at alalahanin ninyo si Allah ng marami upang kayo ay maging matagumpay (62:10)
Ang pag-alala kay Allah ay napakarami at ito ang ilan sa paraan:
1. Alalahanin si Allah sa pamamagitan ng takbeer sa mga araw ng tashreeq, sa bahay man, masjeed o sa trabaho.
2. Ang pag-alala sa pagbanggit sa Kanyang pangalan at mga katangian at Takbeer sa pagkatay ng udhiya.
3. Ang pag-alala kay Allah habang nagtatamasa ng pagkain at inumin sa mga araw na ito.
Sinabi ng Propeta (SAS) "Kinalulugdan ni Allah ang aliping kumakain at pinupuri Siya dahil dito at umiinom ng pinupuri Siya ng dahil dito"
Ang mga Gawain sa araw na ito:
1. Ang pagkatay ng udhiya hanggang sa huling araw ng tashreeq, ito ay sa ika 13 ng Dhul Hijja
2. Ang hindi pag-aayuno sa araw na ito, sapagkat ang araw na ito ay kabilang pa sa araw ng ei'd.
Ang ating mga kamalian sa mga araw na ito.
1. Ang pagsasayang ng mga pagkain lalo't ang mga karne
2. Ang pagpupuyat sa mga araw na ito
Maari nating samantalahin ang pagkakataon sa mga araw na ito sa pag-alaala at pagdakila kay Allah, at huwag lamang magtuon sa pagkain, sapagkat ang pinakamainam sa alipin ay siyang tumutupad mga ipinag-uutos ng kanyang Panginoon at pagpaparami at pag-alaala, pagdakila at pagpupuri. At sa mga araw ng tashreeq ay nagsasama-sama ang mga mananampalataya sa pagkain at pag-inon at dito ay nagiging mas malapit ang kanilang mga puso. At dito ay nagpapasalamatan ang bawat isa. Marapat mga kapatid kayo po o tayo ay magpasalamatan sa isa't-isa.
Tayo ay nabuhay sa mga saksing araw na ito, ang ashar Dhul Hijja at ang tatlong araw pagkatapos nito na siyang mga araw ng tashreeq, at tayo ay gumagawa ng mga pagsamba at pagsunod kay Allah at mabubuting gawain at mga pag-alaala kay Allah at pagsasagawa ng salah para sa ei'd na siyang nagpalapit sa atin kay Allah, kabilang din dito ang ating pag-aalay ng udhiya at pamamahagi nito sa mga kapatiran.
At hinggil naman sa mga naglalakbay para sa hajj, ay naglalakbay sila upang dakilain at sambahin si Allah. At ito ay isang dakilang obligasyon para sa mga Muslim. At ginawa nila dito ang mga natatanging pagsamba at sila ay nagtiis sa kanilang pagod upang maganap ang mga pagsamba dito at sa kanilang paglalakbay.
At marami sa atin ang nagsamantalang makamit ang biyayang mayroon sa mga mabibiyayang araw na ito, sa pamamagitan ng pagsamba, pag-alaala kay Allah, gawaing mabuti at kawanggawa.
Ngunit marami rin sa atin ang mga talunan na hindi ginawa ang mga nararapat at bagkos ay naging tamad sa mga pagsamba at naging maramot sa kapatid na Muslim, at hinayaan na lamang na sila ay lipasan ng dakila at mabiyayang mga araw na ito ng wala man lamang nakamit na gantimpala bagkos ay kawalan. At sa mga nagpunyagi ay nakamit nila ang dakilang gantimpala.
O kapatid na Muslim ang pagsamba kay Allah ay hanggang sa dumating sa atin ang kamatayan, at sinabi ni Allah:
و ا عبد ر بك حتىياتيك ا ايقين
"wa'bud rabbaka hattaa ya'tiyakal-yaqeen"
"At sambahin mo si Allah hanggang sa dumating sa iyo ang katiyakan” (15:99)
وجعلنى مباركا أين ما كنت و أ و صنى باصلوة و الزكوة مادوت حيا
"Wa ja'alnee mubaarakan 'ayna maa kuntu wa 'awsanee bis-salaati waz-zakaati maa dumtu hayyaa".
"At itinakda sa akin ang salah at zakah habang ako ay nabubuhay." (19:31)
Kayat ang pagsamba ay hindi nililimitahan ng panahon. At ang pintuan ng pagbabalik loob kay Allah ay bukas habang tayo ay nabubuhay. At sa mga kapatid na malunan o sinayang ang mga mabibiyayang panahon, inyong malaman sa si Allah ay ang Pinakamaawain at ang Kanyang awa ay malawak at Siya ay tumatanggap ng paumanhin. Kayat magpunyagi upang makamit ito. Tulad ng mga salaf na nagpupunyagi upang magampanan ang mga tungkulin at pahalagahan ang mga ito at sila ay nangangamba sa sinabi ni Allah.
…ibinigay nila ang kanilang maibibigay habang ang kanilang puso ay mayroong takot (kay Allah)..(23:60)
Ang isa sa tanda na tinanggap ang mga gawa ay kapag ito ay naghahangad pa muli ng pagsunod, at ang tanda na hindi tinanggap ang mga gawa ay kapag ito ay nasundan ng pagsuway at gawaing makasalanan.
At ang mananampalataya ay hindi lilipat maliban sa kabutihan, at sa bawat okasyon sa okasyon, kabutihan sa kabutihan na umaasa sa kabutihan at kaluguran ni Allah. At ginagawa ang mga pagsamba at pagsunod nang hindi makikitaan ng pagod, bagkos ay makikita sa kanila ang kaginhawahan at walang paghihirap sa pagtupad.
Kabilang din dito ay ang pag-alaala kay Allah, sabi ng Propeta (SAS): "Sinuman ang nagsabi ng subhanallahi wa bihamdih ng isang daang beses sa isang araw ibinababa ang kanyang pagkakamali kahit na ito ay tulad ng dagat"
At ayon kay Abu Hurayrah (RA) kanyang sinabi, dumaan sa akin ang Sugo ni Allah, habang ako ay nagtatanim, at sinabi ng Sugo ni Allah, Oh Abu Hurayrah para kanino ang iyong tinatanim? At siya ay tumugon, para sa akin. Gusto mo bang magtanim ng mas mainam diyan? Sabi: Siyempre oh Sugo ni Allah, sabi sabihin mo: "Subhanallah wal hamdullillah wa la ilaha illallah wallahuakbar ay nagtatanim para sa iyo ng isang puno sa Paraiso."
Kaya mga kapatid kong Muslim ito ang ilang mga mabubuting gawain sa mga araw na ito, na marami sa mga tao ay talunan, silang hindi nagpahalaga sa araw na ito at ang kabanalan nito. Sapagkat dito ang mabuting gawaing higit pa sa jihad fi sabillillah maliban sa lalaking nakipaglaban sa pamamagitan ng kanyang sarili at salapi ng hindi na naghahangad pang bumalik sa kanyang pamilya, tulad ng sinabi ng Propeta (SAS)
Kaya't marapat sa isang Muslim at Muslimah na gawin itong lagian at salubungin ang mga dakilang araw na ito sa pamamagitan ng pagbabalik loob kay Allah, at dakilain ito kung papaano ito dinakila ni Allah. Kaya't ito ang pinakamainam na gawain upang tapusin ang taon, at gayunrin sa paghinto sa mga paggawa ng kasalanan.
Subalit karamihan sa Ummah ni Propeta Mohammad ay talagang napabayaan ang mahahalagang araw na ito lalo't higit kung papaano nila tutupdin ang batas na ipinatupad ni Allah sa kanyang Sugo (SAS).
Sadayang pinipili lamang ni Allah ang Kanyang mga natatanging alipin upang maglingkod sa pamamagitan ng Hajj. At kayo ay isa sa mga ito. Bago man o Luma ka sa pananampalatayang Islam at isa ka sa tinawag upang gampanan ang tungkuling ito ay isang napakalaking biyaya na nagmula kay Allah sapagkat nais Niyang ipakita at ipadama sa atin ang Kanyang pagmamahal, hinirang ka Niya mula sa pulutong at hanay ng mga mananampalatayang naghahangad ng napakalaking ibada na ito.
Sa kabilang banda, sila na nagsasabing luma na o matagal na sila sa Islam o dito sila sinikatan ng liwanag na mas angat sila kumpara sa mga baguhan na kayayakap pa lamang sa Islam na palagiang ipinamamarali sa karamihan ay nahuhulog sila sa kawalan ng katarungan sa kapatirang Islam.
Kung mayroon mang bago at mayroong mang luma ito ay hindi makapagtataas sa kanila tungo sa pananampalatayang Islam, sapagkat ang Islam ay hindi namimili ng tao na susunod sa batas nito. O ang batas nito ay tangi lamang sa mga natatanging nilikha o tribo, Bagkos ito ay angkop sa lahat ng bawat nilikha na sumusunod at sumusuko sa Batas ni Allah. Kung mayroon mang mga tribo laban sa kapuwa tribo, o grupo, laban sa kapuwa grupo ang mahalaga na sila ay mga Muslim na matatawag sa puso, sa salita at nasisilayan sa kanilang mga gawa ang kabutihan na magbibigay sa kanila ng mabubuting biyaya mula pinto ng mga pintuan ng mga biyayang magmumula mula sa Dakilang Lumikha.
Magpaligsahan tayo sa paggawa ng mga mabubuting gawa, hindi ang pagpapaligsahan na makamit ang katanyagan ng tribo na kanilang kinaaaniban o ang sabihin nilang sila ang mas angat kumpara sa kabilang tribo ang mas mahalaga tayo ay pantay-pantay sa pagkakalikha at pantay-pantay na haharap sa paghuhusga ng Nag-iisang Tagapaglikha. Ikaw man ay Tausug, Maranaw, Yakan, Samal, Maguindanao o ikaw ay Balik Islam hindi itinatangi ni Allah sa Kanyang mga mata ang mga tribong ito bagkos tayo ay pare-parehong iisa ang ating sinasamba. Iisang dugo ang nananalaytay sa ating mga dugo, dugong Muslim na may takot kay Allah sa kaparusahang maaaring igawad niya sa sinumang tatalikdan ang Kaniyang mga utos at batas.
Mga kapatid, hindi kailangan sa Islam ang followers who never respect the religion – Islam, ang kailangan ay - believers who follow and respect Him in all ways. We are all strangers, we are all travelers, we are all seekers of good bouties in this world and in the hereafter.
Ahabbakufillah! I love you for the sake of Allah.
As shadu anlla illaha illa anta wa astagfiruka wa tu bulayk.
